Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pansamantalang Pangulo ng Ehipto: makakalahok sa pambansang rekonsilyasyon ang lahat ng mga partido at puwersang pulitikal

(GMT+08:00) 2013-07-19 16:58:29       CRI

Nagbigay kahapon ng TV speech sa buong bansa si Adly Mansour, Pansamantalang Pangulo ng Ehipto, na nagsasabing makakalahok sa pambansang rekonsilyasyon ang lahat ng mga partido at puwersang pulitikal.

Sinabi rin sa talumpati ni Mansour, na batay sa hangarin ng mga mamamayan, binuo ni Pansamantalang Punong Ministro Hazem Beblawi ang isang gabinete ng mga eksperto, para malutas ang kasalukuyang mga hamon sa Ehipto. Dagdag pa niya, nasa masusing yugto ngayon ang Ehipto, at buong lakas na pangangalagaan ng pamahalaan ang katiwasayan ng bansa at katatagan ng lipunan.

Nauna rito, nanumpa kamakailan sa tungkulin ang 33 ministro ng transisyonal na pamahalaan ng Ehipto. Ang mga ministrong ito ay mula sa iba't ibang paksyon, pero walang miyembro ng mga partidong Islamista.

Salin: Liu Kai

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>