|
||||||||
|
||
Bilang isa sa mga bagong porma ng e-commerce na may napakabilis na pag-unlad, ang transnational online shopping ay nagsisilbing tampok sa kalakalang panlabas ng Tsina. Kahit bagong-silang pa lamang ang ganitong uri ng kalakalan, magiging mahalaga ang katuturan nito para sa buong mundo.
Kung masasabing ang malaking industriya ng pagyari ng Tsina ay nagkakaloob ng matibay na pundasyong materiyal sa transnational online shopping mula sa Tsina, ang pahusay nang pahusay na e-commerce technology at global logistics system, at popular na tunguhin ng online shopping sa buong mundo naman ay lumilikha ng mabuting pagkakataon para sa pagpasok ng mga produktong "made in China" sa pamilihang dayuhan.
Sa ilalim ng kalagayang bumabagal ang paglaki ng pagluluwas, mabilis na umuunlad ang transnational e-commerce ng Tsina. Ayon sa estadistika ng China e-Business Research Center, noong taong 2011, umabot sa 40.6% ang paglaki ng e-commerce transaction ng kalakalang panlabas ng Tsina. Lumampas naman sa 25% ang paglaki nito noong 2012 kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Dahil sa kawalan ng maraming elemento sa proseso ng pagbebenta, makabibili ang mga dayuhang mamimili ng mura't de-kalidad na produktong "made in China". Ang agwat ng presyo ay naging mahalagang dahilan ng pagpili ng mga dayuhang mamimili ng online shopping mula sa Tsina.
Posibleng iwasto ng online shopping mula sa Tsina ang kasalukuyang di-makatarungan at di-balanseng kayarian ng distribusyon ng interes ng kalakalang pandaigdig. Sa proseso ng kalakalang pandaigdig, nakakuha ang mga maunlad na bansang kanluranin ng karamihan ng mga interes ng kalakalan batay sa kanilang bentahe sa teknolohiya, tatak at tsanel. Pero dahil ang bentahe ng Tsina ay, pangunahin na, sa pagpoproseso, napakababa ng interes na nakuha nito.
Bukod dito, nasira ng online shopping mula sa Tsina ang iba't ibang porma ng hadlang sa kalakalan, napalawak ang pangangailangan ng mga mamimiling dayuhan sa mga produktong "made in China", at napasulong ang kasaganaan ng industriya ng pagyari ng Tsina.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |