Ayon sa datos ng pakikipagkalakalang panlabas ng lalawigang Sichuan ng Tsina, nitong nagdaang 6 na buwan, ang ASEAN ay naging pinakamalaking katuwang na pangkalakalan ng Sichuan, malaking ekonomy sa kanlurang Tsina.
Ayon pa sa datos, nitong nakalipas na 6 na buwan, umabot sa 5.38 bilyong dolyares ang bilateral na kalakalan ng Sichuan at ASEAN. Ito ay lumaki ng 42.1%, samantalang umabot lamang sa 5.36 bilyong dolyares ang bilateral na kalakalan ng Sichuan at Amerika, na bumaba ng 13.6%.
Salin: Andrea