Muling nagdaos kahapon ng malaking demonstrasyon sa Cairo, Ehipto, ang libung-libong tagasuporta ni dating Pangulong Mohamed Morsi. Ipinahayag nila ang protesta sa panig militar sa pagtiwalag sa tungkulin ni Morsi at hiniling ang pagpapabalik sa kanya sa tungkulin.
Nakipagsagupaan din sila sa mga kontra-Morsi at karagdagang tropa, pero wala namang naiulat na kasuwalti.
Nang araw ring iyon, sa mga iba pang lunsod ng Ehipto na gaya ng Alexandria at Mansoura, naganap ang marahas na sagupaan sa pagitan ng mga tagasuporta at tumututol kay Morsi. Ayon sa media, ikinamatay ng di-kukulangin sa 2 katao ang sagupaan sa Mansoura, at ikinasugat ng 7 iba pa.