Sa katatapos na pulong ng mga Ministrong Pinansiyal at Gobernador ng Bangko Sentral ng G20 na idinaos sa Moscow, Rusya, ipinahayag ni Lou Jiwei, Ministro ng Pananalapi ng Tsina, na hindi isasapubliko ng kanyang bansa ang patakaran ng malawak na pagpapasigla sa kabuhayan, pero pasusulungin nito ang paglaki ng kabuhayan at hanap-buhay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng reporma sa estrukturang pangkabuhayan, at pagsasalunsod.
Kaugnay nito, ipinalalagay ni Wang Jun, Pangalawang Direktor ng Departamento ng Impormasyon ng China Centre for International Economic Exchange, na hindi ito nangangahulugan ng pagtiwalag ng pamahalaang Tsino sa umiiral na proaktibong patakarang pinansyal.
Sinabi niya na ang sinabi ni Lou ay nagpapakitang pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang kalidad ng paglaki ng kabuhayan sa halip na pag-unlad lamang ng GDP.