Pagpasok ng tag-ulan sa taong ito, kaagad naapektuhan ng tuluy-tuloy at malakas na pagbuhos ng ulan ang maraming lugar ng Tsina. Tumaas ang lebel ng tubig sa mga ilog; binaha ang ilang lunsod; at naganap ang flash flood, mud-rock flow, at landslide sa maraming lugar na nagdulot ng malaking kasuwalti, at kapinsalaan sa ari-arian.
Ayon sa estadistika ng Pangkalahatang Pamunuan Laban sa Baha at Tagtuyot ng Tsina, hanggang sa kasalukuyan, 47.7 milyong katao na ang apektado ng mga kalamidad na dinulot ng ulan: namatay ang 337 tao, nawawala ang 213 iba pa, at nawasak naman ang 150 libong pabahay.
Salin: Liu Kai