Iniharap kahapon ni Sam Rainsy, lider ng partidong oposisyon ng Kambodya, ang aplikasyon para maging kandidato sa halalang pamparliamento.
Sa kanyang liham sa tagapangulo ng Lupong Elektoral, tinanong ni Sam Rainsy kung puwede bang panumbalikin ang kanyang kuwalipikasyon bilang kapwa botante at kandidato sa halalang pamparliamento. Nagpadala rin siya ng liham sa Lalawigang Kandal, at hiniling niyang maging representative ng lalawigang ito.
Nang araw ring iyon, sinabi ng pangkalahatang kalihim ng Lupong Elektoral ng Kambodya, na sa kasalukuyan, hindi pa natitiyak kung panunumbalikin o hindi ang mga kuwalipikasyon ni Sam Rainsy. Aniya, batay sa Konstitusyon ng bansa, dapat magpulong ang lupong elektoral para talakayin ang naturang mga aplikasyon.
Salin: Liu Kai