|
||||||||
|
||
Ipinalalagay ng opinyong publiko na ang naturang aksyon ay nagpapakita ng matatag na determinasyon ng pamahalaang Tsino sa pagpapasulong ng reporma.
Ipinalalagay ni Sun Lijian, dalubhasang pangkabuhayan ng Tsina, na ang naturang aksyon ay sumasagisag na sinimulan na ng Tsina ang bagong round na repormang pinansiyal. Ito rin aniya ay lubos na nagpapakita ng katangian ng patakarang pangkabuhayan ng bagong pamahalaan: pagbibigay-diin sa reporma ng market economy at pagpapaluwag ng pagkontrol sa kabuhayan. Tinukoy rin ni Huang Yiping, Propesor ng Peking University, na ang aksyong ito ay isang mahalagang pahayag ng bagong pamahalaang Tsino hinggil sa buong tatag na pagpapasulong ng reporma.
Ipinalalagay ng mga netizens na ang aksyong ito ay nagpapakita ng malakas na diwa ng reporma ng pamahalaang Tsino.
Ang aksyong ito ay umakit ng pansin ng komunidad ng daigdig. Positibong pinahahalagahan ito ng mga mediang dayuhang tulad ng WallStreet Journal. Ipinalalagay nitong ang nasabing aksyong ito ay mahalagang signal ng Tsina sa pagpapasulong ng repormang pinansiyal: ito rin ay nagpakita ng kapasiyahan ng bagong liderato ng Tsina sa pagpapasulong ng reporma. Bukod pa riyan, ito ay isang mahalagang hakbang para sa Tsina sa proseso ng reporma ng Exchange Rate.
Buong pagkakaisang ipinalalagay ng iba't ibang sirkulo na ang komprehensibong pagkansela ng pag-kontrol sa interest rate ng pautang ay makakabuti sa matatag, malusog at pangmatagalang pag-unlad ng kabuhayan. Ipinalalagay ng mga tauhan ng industriya ng bangko na ang reporma ay tiyak na magdudulot ng malalim na epekto sa sistema ng pagbabangko.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |