|
||||||||
|
||
Sinabi ngayong araw ni Gao Yan, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na mabilis na umunlad ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN nitong nakalipas na 10 taon; sapul nang itatag ang estratehikong partnership ng dalawang panig. Ayon sa kasalukuyang situwasyon, may pag-asa aniyang umabot sa 500 bilyong dolyares ang halaga ng bilateral na kalakalan ng Tsina at ASEAN sa 2015.
Ayon sa datos ng panig Tsino, noong unang dako ng taong ito, umabot sa mahigit 210 bilyong dolyares ang bilateral na kalakalan ng Tsina at ASEAN. Ito ay lumaki ng mahigit 12% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Sa kasalukuyan, ang Tsina ang pinakamalaking katuwang na pangkalakalan ng ASEAN, at ang ASEAN naman ang ika-3 pinakamalaking katuwang na pangkalakalan ng Tsina.
Ayon pa sa datos, noong 2012, umabot sa 8.5 bilyong dolyares ang trade surplus ng Tsina sa ASEAN. Ayon kay Gao, ito ay naapektuhan ng pagsasaayos ng ASEAN ng kalakalang panlabas, pagkaraang itatag nito ang mga malayang sona sa iba't ibang bansa. Isasagawa aniya pa ng Tsina ang mga hakbanging gaya ng pagpapataas ng lebel ng kasimplehan ng kalakalan, para mapalawak ang pag-aangkat ng Tsina mula sa ASEAN.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |