"Alinsunod sa mga may kinalamang batas ng Kambodya, natapos na ang deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon ng mga kandidatong lalahok sa halalang pamparliamento." Ito ang ipinahayag kahapon ng lupong elektoral ng Kambodya bilang tugon sa aplikasyon ni Sam Rainsy, Puno ng National Rescue Party, partidong oposisyon ng bansa.
Noong katapusan ng taong 2009, sinimulan ni Sam Rainsy ang kanyang apat na taong exile. Bumalik siya sa Kambodiya noong ika-19 ng buwang ito, dahil sa amnestiya na ipinalabas ni Haring Norodom Sihamoni.