Sa news briefing na idinaos ngayong araw dito sa Beijing, isiniwalat ni Gao Yan, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina na ang Pilipinas ang magiging Country of Honor sa gaganaping ika-10 China ASEAN Expo o CAExpo. Sa kasalukuyan, binubuo na ng Pilipinas ang working group para maghanda para sa nasabing akdibidad.
Idaraos ang ika-10 CAExpo mula ika-3 hanggang ika-6 ng Setyembre sa Nanning, Rehiyong Autonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, Tsina. Sa kasalukuyan, maalwan ang iba't ibang gawaing-paghahanda. Bukod dito, lalahok ang Australia sa nasabing CAExpo sa kauna-unahang pagkakataon, bilang bansang tagamasid.
Salin:Sarah