Ayon sa Xinhua News Agency, mula kamakalawa hanggang ngayong araw, naglakbay-suri si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa probinsyang Hubei para komprehensibong alamin ang kalagayan ng pagpapalalim ng reporma at kasalukuyang pagtakbo ng kabuhayan ng bansa. Binigyang-diin niya na dapat palagiang ipatupad ang diwa ng reporma at inobasyon sa iba't ibang bahagi ng pangangasiwa sa estado at administrasyon. Ito aniya ay upang mapasulong ang sustenable at malusog na pag-unlad ng kabuhayan.
Pinuntahan ng pangulong Tsino ang mga lugar na gaya ng Wuhan at Ezhou, at bumisita siya sa mga puwerto, bahay-kalakal, nayon, kapitbahayan para alamin ang kalagayan ng pagtakbo ng kabuhayan doon. Pinakinggan din niya ang mga palagay at mungkahi hinggil sa komprehensibong pagpapalalim ng reporma.
Salin: Li Feng