|
||||||||
|
||
Sinabi ni Chikariashi Juro, Senior Advisor for Mindanao Peace Building, na mahalaga ang pagtutulungang ito sapagkat kasama rito ang pagbibigay ng scholarship sa mga kwalipikadong kabataan mula sa Autonomous Region in Muslim Mindanao na makapag-aral sa Japan at masanay sa pagpapatakbo ng mga kalakal at pamahalaan.
Ang seremonya ay katatampukan ni Takihiro Sasaki, Chief Representative ng JICA Philippine Office at Mohager Iqbal, ang Chairman ng Transition Commission. Magaganap ang paglagda sa ganap na ika-siyam ng umaga sa Norsalam Hall ng Al Nor Convention Center sa Cotabato City.
Kasama sa pagsasanayan ng mga Muslim ay ang development planning, institution-building, at iba pang mahahalagang bahagi ng maayos na pagpapatakbo ng pamahalaan.
Kabilang din ang ayudang ito sa ibabalita ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na nakatakdang dumating sa Maynila sa Biyernes para sa dalawang araw na pagdalaw at pakikipag-usap kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |