Ipinadala kahapon ng 12 miyembro ng Prefectural Assembly ng Okinawa, Hapon, ang liham sa Ministring Panlabas ng bansa, bilang kahilingan sa pagpapaalis sa lahat ng mga US Osprey transport aircrafts na naideploy sa lalawigang ito.
Ayon sa liham, lubhang natatakot ang mga lokal na residente ng Okinawa sa pagdedeploy ng naturang mga eroplano. Ayon pa sa ulat, hindi pa naaalis ang kanilang pangamba sa aksidente ng pagbagsak ng ganitong uri ng eroplano noong dati. Anang liham, para mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayan sa Okinawa at kanilang kapaligiran ng pamumuhay, buong tinding nagpoprotesta ang naturang mga mambabatas sa plano ng tropang Amerikano na dagdagan ang mga Osprey aircrafts sa Okinawa. Hiniling din nilang alisin ang lahat ng mga naideploy na eroplanong ito.
Salin: Liu Kai