Ayon sa pinakahuling survey ng Hongkong and Shanghai Banking Corporation Limited (HSBC), 11% ng mga bahay-kalakal ng Singapore ang gumagamit sa kasalukuyan ng cross-border RMB settlement.
Ayon sa mga tagapag-analisa, dahil sa malaking halagang ginugugol sa lakas-manggagawa sa Singapore, nakakapagtipid ang mga bahay-balakal ng bansa ng malaking halaga sa paggamit ng RMB sa cross-border business. Nakakapagtamasa rin ang mga bahay-kalakal ng limang porsyentong (5%) diskuwento sa paggamit ng RMB sa pagbabayad na transnasyonal.
Napag-alamang nitong nagdaang Mayo, inotorisahan ng People's Bank of China, Bangko Sentral ng Tsina, ang Industrial and Commercial Bank of China (ICBC) bilang RMB clearing bank sa Singapore.