Nay Pyi Daw, Myanmar, sa kanyang pakikipag-usap dito kahapon kay Fan Changlong, dumadalaw na Pangalawang Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng Tsina, ipinahayag ni Pangulong Thein Sein ng Myanmar, na ang kanyang bansa ang unang bansang dinalaw ng lider Tsino. Ito aniya ay nagpapakitang matibay at mainam ang relasyong pang-estado at panghukbo ng Tsina at Myanmar. Pinasalamatan din niya ang walang humpay na pagbibigay-tulong ng Tsina sa Myanmar. Dagdag pa niya, ipagpapatuloy ng Myanmar ang mapagkaibigang patakaran sa Tsina, para pasulungin ang estratehikong partnership ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan.
Ipinahayag naman ni Fan, na mainam at mabunga ang kasalukuyang pagtutulungan ng estado at hukbo ng Tsina at Myanmar sa ibat-ibang larangan. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Myanmar, para ibayo pang palakasin ang naturang relasyon sa hinaharap.
Nang araw ring iyon, nag-usap din sina Fan at Min Aung Hlaing, Commander-in-Chief ng Myanmar Defence Services, at nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa relasyon ng dalawang bansa at hukbo.