Ipinahayag kahapon ni Wang Min, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na positibo ang Tsina sa pagpapanumbalik ng talastasang pangkapayapaan ng Palestina at Israel. Umaasa aniya siyang matatamo ang positibong resulta ng nasabing talastasan.
Ipinahayag din ni Wang, na sinusuportahan ng Tsina ang pagtatatag ng nagsasariling bansang Palestina, na may kabiserang Silangang Herusalem at hanggahan nitong naitadhana noong 1967. Ito ay hindi lamang makakatulong sa pagsasakatuparan ng mapayapang pakikipamuhayan ng Palestina at Israel, kundi, magpapasulong din sa kapayapaan at katatagan sa Gitnang Silangan, dagdag ni Wang.
Sinabi pa niya, na kabilang sa mga pinakamahalagang hakbang sa kasalukuyan, para maayos na malutas ang isyu ng Palestina at Israel ay: pagtigil sa pagtatayo ng mga purok-panirahan ng mga Hudyo sa Kanlurang pampang ng Ilog Jordan, pagpigil sa paggamit ng dahas laban sa mga sibilyan, pag-alis ng blokeyo sa Gaza, maayos na paglutas sa isyu ng mga ibinalanggong Palestino, at pagbibigay-tulong ng komunidad ng daigdig sa Palestina.