Sinabi kahapon ni Abbas Araqchi, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Iran, na patuloy na makikipagtulungan ang Iran sa International Atomic Energy Agency (IAEA) sa loob ng balangkas ng Non-Proliferation Treaty (NPT). Ngunit, aniya, hindi tatanggapin ng Iran ang "nuclear obligation" na hindi kalakip sa NPT.
Sinabi ni Araqchi na hindi pa narating ng kanyang bansa at IAEA ang komong palagay hinggil sa pagsisiyasat sa mga pasilidad ng Iran, at patuloy pa rin ang talastasan hinggil sa paraan ng kanilang kooperasyon.
Salin: Andrea