Idinaos kagabi sa Embahadang Tsino sa Indonesiya ang resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-86 na anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Liberation Army ng Tsina (PLA). Sinabi sa resepsyon ni Sjafrie Sjamsoeddin, Pangalawang Ministro ng Tanggulan ng Indonesiya, na dapat ipagpatuloy ang mainam na kooperasyon ng dalawang bansa sa larangang militar.
Sinabi naman ni Xu Dazhuang, military attaché ng Tsina, na humihigpit at lumalalim ang kooperasyong militar ng dalawang bansa nitong ilang taong nakalipas.
Dumalo sa resepsyon ang mahigit 300 kinatawan ng Indonesiya, Tsina at ibang mga bansa.
Salin: Ernest