Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Bangkok kay Fan Changlong, dumadalaw na Pangalawang Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng Tsina, sinabi ni Punong Ministrong Yingluck Shinawatra ng Thailand, na bilang matalik at mapagkaibigang magkapitbansa, mabunga ang pagtutulungan at pagpapalitan ng Tsina at Thailand sa ibat-ibang larangan. Positibo aniya ang Thailand sa mahalagang papel ng Tsina sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Dagdag pa niya, nakahanda ang Thailand na pahigpitin ang pakikipagtulungan nito sa Tsina, para ibayo pang palalimin ang relasyon ng dalawang bansa at hukbo.
Ipinaabot naman ni Fan ang pagbati ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa lider Thai.
Sinabi niya, na nitong ilang taong nakalipas, masigla at mabunga ang pagtutulungan ng Tsina at Thailand. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Thailand, para ibayo pang palalimin ang mapagkaibigang relasyong pangkooperasyon ng dalawang bansa at hukbo, at pasulungin ang katatagan at kasaganaan ng rehiyon.