Sa kanyang pakikipag-usap kamakalawa sa Beijing sa opisyal Indones na namamahala sa patakarang panlabas, ipinahayag ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na bilang dalawang mahalagang bansa sa Asya-Pasipiko, may malawak na katuturang estratehiko ang pagtutulungan ng Tsina at Indonesia. Aniya, sa bisperas ng ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng mga bansang ASEAN, na kinabibilangan ng Indonesya, para maisakatuparan ang kani-kanilang pag-unlad at komong kasaganaan ng rehiyong ito.
Ipinahayag naman ng kabilang panig, na nakahanda ang Indonesia na pahigpitin ang pakikipagtulungan nito sa Tsina, sa larangan ng suliraning panrehiyon at pandaigdig, kasama na ang ibayo pang pagpapasulong sa bilateral na relasyon ng Tsina at Indonesia, at pagtutulungan sa pagitan ng Tsina at ASEAN.