|
||||||||
|
||
Mula kamakalawa hanggang kahapon, idinaos sa New Delhi, India ang ika-3 pulong hinggil sa pagsasanggunian ng mga suliraning panghanggahan at coordination working mechanism ng Tsina at India. Dumalo sa pulong ang delegasyong Tsino at delegasyong Indyano.
Binigyan ng positibong papuri ng dalawang bansa ang pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa purok-hanggahan ng dalawang bansa, sapul nang idaos ang ika-2 pulong. Lubos din nilang tiniyak ang mahalagang papel na pinapatingkad ng naturang working mechanism.
Inulit din ng dalawang panig na bago lubusang malutas ang isyung panghanggahan ng dalawang bansa, magkasama nilang pangangalagaan ang kapayapaan at katahimikan sa kanilang purok-hanggahan.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |