Sa Guangxi, Nanning ng Tsina — Ipinahayag dito kamakalawa ni Maung Myint, dumadalaw na Ministro ng Paggawa ng Myanmar, na kasunod ng walang humpay na pagpapalalim at pagpapalawak ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Guangxi ng Tsina at Myanmar, malawak ang prospek ng kooperasyon ng dalawang panig sa mga larangang gaya ng turismo. Umaasa aniya siyang magkasamang mapapasulong ng dalawang panig ang kooperasyon sa ganitong mga larangan.
Ipinahayag naman ni Cheng Wu, Tagapangulo ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, ang pag-asang walang humpay na mapapasulong ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan. Ayon pa kay Chen, gaganapin sa darating na Setyembre ang Ika-10 China-ASEAN Expo (CAExpo), at umaasa aniya siyang tulad ng dati, kakatigan ng Myanmar ang naturang ekspo.
Salin: Li Feng