Sa UN General Headquarters-ipinahayag dito kahapon ni John Kerry, Kalihim ng Estado ng Estado Unidos (E.U.), na imposibleng malutas ang isyu ng Syria sa paraang militar, at ito ay malulutas lamang sa paraang pulitikal na tulad ng talastasan.
Sa isang preskong idinaos pagkaraang makipagtagpo kay Ban Kim Moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, sinabi ni Kerry na patuloy na magsisikap ang E.U. para makumbinsi ang mga may kinalamang panig na idaos ang Ika-2 Geneva Meeting on Syria para matupad ang komunike na narating sa unang Geneva Meeting noong Hunyo ng nagdaang taon.
Sinabi naman ni Ban Ki-Moon na dapat itigil ng mga nagsasagupaang panig ng Syria ang aksyong militar at karahasan. Idinagdag pa niyang siya mismo kasama ni Lakhadar Brahimi, UN and League of Arab States (LAS) Special Envoy sa krisis ng Syria, ay walang tigil na magsisikap para idaos ang bagong Syria peace conference sa Geneva sa lalong madaling panahon.