|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Cao Hongying, isang opisyal ng Ministri ng Komersyo (MOC) ng Tsina, na ang paglipat sa mga bansang nakapaligid sa Tsina ng mga bahay-kalakal na dayuhan ay hindi unibersal na penomena, at walang malaking puhunang dayuhang umurong mula sa Tsina.
Sinabi ni Cao na kasabay ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino, unti-unting lumipat ang mga labor-intensive industry sa mga bansang nakapligid sa Tsina o sa dakong gitna at kanluran ng Tsina kung saan mas mababa ang gastusin at mas mayaman ang labor force. Ito aniya ay isang kalakarang pangkabuhayan. Aniya pa, sa ilalim ng situwasyong ito, lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang kapaligiran ng pamumuhunan, para mahikayat ang ng mga bahay-kalakal na dayuhan ng maghulog ng puhunan sa gitna at kanluran ng bansa.
Ayon sa datos, noong unang dako ng taong ito, 10,630 bahay-kalakal ang nagsimulang mamuhunan sa Tsina, na bumaba ng 9.18% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon. Lumampas sa 61 bilyong dolyares naman ang aktuwal na nagamit na puhunang dayuhan ng Tsina, na lumaki ng 4.9%.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |