Ipinahayag kahapon ni Geng Yansheng, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na idaraos ang isang magkasanib na ensayong militar na may code na "Peace Mission 2013", mula ika-27 ng Hulyo hanggang ika-15 ng Agusto, sa Chelyabinsk, Rusya. Mahigit sa 1,500 sundalo ang lalahok sa nasabing ensayo.
Ayon sa ulat, ang tatlong-yugtong ensayo ay kinabibilangan ng pagtatalaga ng hukbo, pagpapaplano sa labanan, at pagsasagawa ng labanan. Lalahok sa ensayo ang mga sundalong Tsino mula sa hukbong panlupa, panghimpapawid, at support group.