|
||||||||
|
||
Kaugnay ng paglilipad ng eroplanong militar ng Tsina sa himpapawid sa paligid ng Okinawa, ipinahayag kahapon ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon, na "ito ay walang-katulad na espesyal na aksyon, at susubaybayan ng Hapon ang pag-unlad ng pangyayaring ito sa hinaharap."
Dagdag pa ni Abe, sa pamamagitan ng kanyang biyahe sa Timog Silangang Asya, isasagawa nila ng mga bansang dadalawin niya ang kooperasyon, para maitatag ang kaayusang nakaayon sa batas sa halip ng puwersa." Binigyang-diin niya na magtutulungan sila ng iba't-ibang bansang ASEAN para harapin ang Tsina.
Ipinahayag naman kamakalawa ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina na ang pagpunta ng eroplanong militar ng bansa sa Western Pacific para sa pagsasanay, ay isang taunang regular na aksyon. Hindi ito nakatuon sa anumang bansa at target, at ito ay angkop rin sa batas at normang pandaigdig.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |