|
||||||||
|
||
Data: Si Sam Rainsy
Nagpalabas kahapon ng patalastas ang Pirmihang Lupon ng Pambansang Asamblea ng Kambodya kung saan tinanggihan ang pagpapanumbalik ng kuwalipikasyon ni Sam Rainsy bilang kongresista. Ito ang ika-2 beses na pagtanggi sa aplikasyon ni Rainsy para makisangkot sa mga suliraning pulitikal sapul nang bumalik siya sa bansa noong ika-19 ng Hulyo.
Ipinahayag ni Heng Samrin, Tagapangulo ng Pambansang Asamblea ng Kambodya, na ipinalalagay ng pirmihang lupon na si Sam Rainsy ay kasalukuyang tagapangulo ng Cambodia National Rescue Party (CNRP), pero walang luklukan ang CNRP sa ika-4 na Pambansang Asamblea, kaya hindi mapapanumbalik ang kuwalipikasyon niya bilang kongresista.
Sa ika-28 ng Hulyo, idaraos ng Kambodya ang halalan ng ika-5 Pambansang Asamblea. Noong ika-12 ng buwang ito, nagkaloob si Haring Norodom Sihamoni ng amnesty kay Rainsy. Pagkaraang bumalik sa bansa noong ika-19 ng buwang ito, nagharap siya ng aplikasyon para sa pagiging kandidato sa halalan ng Pambansang Asamblea. Noong ika-22, tinanggihan ng Pambansang Lupong Elektoral ang naturang apilkasyon dahil lampas na ito sa deadline ng pagpaparehistro ng mga kandidato.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |