|
||||||||
|
||
Ipinasiya sa naturang pulong na mula unang araw ng susunod na buwan, hindi ipapataw ang value-added taxes at sales taxes sa mga may katamtamang laki at maliliit na bahay-kalakal na ang halaga ng monthly sales ay hindi lalampas sa 20 libong yuan RMB. Ang patakarang ito ay magdudulot ng benebisyo sa mahigit 6 na milyong may katamtamang laki at maliliit na bahay-kalakal, at sa trabaho at kita ng ilampung milyong manggagawa.
Sa kasalukuyan, ang bilang ng mga may katamtamang laki at maliliit na bahay-kalakal ng Tsina ay nasa mahigit 90% ng kabuuang bilang ng mga bahay-kalakal sa buong bansa. Pero, kinakaharap nila ang iba't ibang kahirapan. Tinukoy ni Zuo Xiaolei, ekonomistang Tsino, na ang naturang patakaran ay hindi lamang mabisang magpapagaan sa presyur ng mga may katamtamang laki at maliliit na bahay-kalakal, kundi magpapatingkad rin ng mahalagang papel para sa matatag na paglaki ng kabuhayan.
Pero, hinggil dito, ipinalalagay ng ilang tagapaganalisa na sa kasalukuyan, unti-unting bumababa ang bahagdan ng government revenue ng Tsina. At ang pagbabawas ng buwis sa mga may katamtamang laki at maliit na bahay-kalakal ay posibleng magdulot ng kahirapang pinansiya. Hinggil dito, ipinalalagay ni Zuo Xiaolei na ang patakarang ito ay hindi magdudulot ng presyur sa pamahalaan, sa pangmalayuang pananaw, ito ay lilikha ng mas malaking kita para sa pamahalaan.
Samantala, sa talakayan ng mga namamahalang tauhan ng mga may katam-tamang laki at maliit na bahay-kalakal na idinaos sa rehiyong autonomo ng Guangxi noong nakaraang buwan, tinukoy rin ni Li Keqiang, Premiyer ng Tsina, na sa huling hati ng taong ito, magpapalabas ang may kinalamang departamento ng Tsina ng iba pang hakbangin para makatulong sa pag-unlad ng mga bahay-kalakal na ito, na tulad ng pagpapabuti ng kapaligiran ng pag-unlad, pagpapabuti ng konstruksyon ng sistema ng serbisyo at iba pa.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |