Ipinahayag kamakailan ni Zheng Junjian, Pangkalahatang Kalihim ng Sekretaryat ng China ASEAN Expo (CAEXPO), na ang ika-10 ekspong ito na bubuksan sa ika-3 ng darating na Setyembre ng taong ito ay magiging mas malawak na plataporma ng pagpapalitan ng Tsina at ASEAN.
Kaugnay ng idaraos na ika-10 CAEXPO, sinabi ni Zheng na sa kasalukuyan, ang bilang ng mga bahay-kalakal na naitalang lumahok sa ekspo ay mas malaki nang 30% kaysa nakatakdang bilang. Aniya pa, lalahok sa seremonya ng pagbubukas ng ekspo ang mahigit 200 opisyal ng Tsina at mga bansang ASEAN na may antas na ministeryal pataas. Magkokober naman sa ekspo ang mahigit isang libong mamamahayag mula sa isang daang media ng Tsina at ibang bansa.
Ayon pa rin kay Zheng, sa panahon ng ika-10 CAEXPO, idaraos din ang promosyon ng mga paninda mula sa iba't ibang bansang ASEAN, para maging mas epektibo ito pagdating sa pagpapasulong ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN.