Ayon sa ulat kahapon ng Egyptian media, 15 araw nang pinipigil si Mohamed Morsi, dating Pangulo ng bansang ito, dahil nahaharap siya sa sakdal kaugyan ng umano'y kaso ng pag-eespiya, pagtakas mula sa bilangguan, pagpatay ng mga sundalo at pulis, at iba pa.
Anang media, noong Enero ng 2011, nadakip at nakulong si Morsi at ang mga kasama niya sa Muslim Brotherhood, pagkaraang lumahok sila sa isang demonstrasyong kontra-gobyerno. Pero, pitong araw pagkatapos nito, tumakas mula sa bilangguan si Morsi at ang mga kasama niya. Ang naturang mga kaso ay naganap noong panahong iyon, at ini-iimbestigahan ng prokuratura ng Ehipto ang hinggil sa mga ito.
Samantala, naganap mula kagabi hanggang kaninang madaling araw, local time, sa iba't ibang lugar ng Ehipto, ang malawakang rali na nilahukan ng mga demonstrador na maka- at kontra-Morsi. Kabilang dito, sa Nasr City na malapit sa Cairo, naganap ang sagupaan sa pagitan ng mga tagasuporta ni Morsi at pulis, na ikinamatay ng di-kukulangin sa 19 na katao, at ikinasugat ng halos 500 iba pa.