|
||||||||
|
||
Tinalakay ng mga kalahok na kinatawan ang dalawang isyung kinabibilangan ng puwesto ni Pangulong Bashar al-Assad ng Syria sa hinaharap, at pagdaraos ng pandaigdigang pulong hinggil sa isyu ng Syria.
Ayon sa kinatawan ng oposisyon ng Syria, dapat umalis si Pangulong Bashar al-Assad sa kanyang puwesto. Bukod dito, sinabi rin niyang ang mga tagasunod ni Assad ay dapat ipagbawal na pumasok sa transisyonal na organo ng kapangyarihan ng bansa sa hinaharap.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Vitaly Churkin, Pirmihang Kinatawan ng Rusya sa UN, na ang naturang mga kahilingan ng oposisyon ay sabagal sa pagdaraos ng pandaigdigang pulong hinggil sa isyu ng Syria, at ito rin ay nakakagulo sa kasalukuyang kalagayan sa bansang ito.
Kaugnay ng pagkabahala ng komunidad ng daigdig, na ang mga tulong na sandata na ipinagkaloob ng mga bansa sa oposisyon ng Syria ay posibleng mapasakamay ng mga terorista at ekstrimista, sinabi ni Mark Lyall Grant, Pirmihang Kinatawan ng Britanya sa UN, na ipinahayag sa talastasan ni Ahmad Jarba, kalahok na kinatawan ng oposisyon ng Syria, ang pagtutol sa terorismo at ekstrimismo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |