Ipinahayag kahapon ni Voltaire Gazmin, Kalihim ng Tanggulang Bansa ng Pilipinas, na pinaplano ng pamahalaan na ilipat ang mga pangunahing air force at naval base ng bansa, sa Subic Bay, dating naval base ng tropang Amerikano. Ito aniya ay para mas mabilis na makapunta ang mga puwersa ng kanyang bansa sa karagatan ng South China Sea.
Bukod dito, pinaplano pa ng pamahalaang Pilipino na buksan ang mas maraming base militar para sa tropa, bapor na pandigma, at eroplanong militar ng Estados Unidos, at dagdagan ang bilang ng taunang magkasanib na ensayong militar ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng