Ipinatalastas kahapon ng Maritime and Port Authority ng Singapore na isang bangkay ang kanilang natuklasan kamakalawa sa isang bapor na tumaob kamakailan sa karagatan sa dakong silangan ng Singapore.
Sa kasalukuyan, hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan at nasyonalidad ng naturang namatay, at iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang dahilan ng nasabing pagtaob. Samantala, patuloy pa rin ang search and rescue operation.
Natanggap ng Maritime and Port Authority ng Singapore ang report hinggil sa insidente ng pagtaob ng bapor-Tsino na may pangalang "Guoliang 677." Taga-Tsina ang lahat ng 10 marinero at hanggang sa kasalukuyan, dalawa na ang nailigtas, samantalang pinaghahanap pa rin ang natitirang 8.
salin:wle