Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ban Ki-moon, kinondena ang paglaki ng bilang ng karahasan sa Ehipto

(GMT+08:00) 2013-07-29 16:35:11       CRI

Sapul nang alisin ng panig militar si Mohamed Morsy bilang pangulo ng Ehipto noong ika-3 ng Hulyo, patuloy ang komprontasyon ng iba't ibang paksyon sa loob ng bansa. Hanggang sa kasalukuyan, ang mga sagupaan ay ikinamatay na ng mahigit 100 tao, at ikinasugat ng ilang libong iba pa. Noong ika-26 ng Hulyo, idinaos ng milyun-milyong Egyptian ang malawakang demonstrasyon sa maraming lunsod ng bansa.

Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa telepono kay Mohamed El Baradeis, Pangalawang Pangulo ng Transisyonal na Pamahalaan ng Ehipto, nagpahayag si Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-Moon ng UN ng pagkabahala sa direksyon ng pag-unlad ng kasalukuyang prosesong transisyonal ng bansang ito. Matinding kinondena rin niya ang malaking human casualty na dulot ng pagdami ng insidente ng karahasan.

Muling nanawagan si Ban sa transisyonal na pamahalaan na gawin ang lahat ng makakaya para pairalin ang mapayapang pangangasiwa sa gitna ng mga demonstrasyon, at igarantiya ang kaligtasan ng iba't ibang paksyon at lahat ng mga mamamayang Egyptian. Hinimok din niya ang transisyonal na pamahalaan na simulan ang isang mapayapang prosesong pulitikal na tunay na kinabibilangan ng iba't ibang paksyon.

Nagpalabas naman kahapon ng pahayag ang Unyong Europeo o EU na nagsasabing dadalaw ngayong araw sa Ehipto si Catherine Ashton, High Representative for Foreign Affairs and Security Policy ng Unyong Europeo o EU, para manawagan sa iba't ibang panig na bigyang-wakas ang karahasan, at simulan ang prosesong transisyonal sa lalong madaling panahon.

salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>