|
||||||||
|
||
Hinggil dito, sinabi ni Suga Yoshihide, Chief Secretary ng Hapon, na ang pangunahing layunin ng naturang pagdalaw ay pagpapasulong ng kooperasyong pangkabuhayan. Ipinahayag ng dalubhasa ng Singapore na ang ASEAN ay napakahalaga para sa Hapon, kaya ang naturang pagdalaw ni Shinzo Abe ay naglalayong lalo pang pasulungin ang relasyon ng Hapon at Timogsilangang Asiya, partikular na, sa larangan ng kabuhayan.
Kaugnay ng isyu ng alitan sa teritoryo, sinabi ni Abe sa kanyang pagdalaw na ang Tsina ay napakahalagang kapitbansa ng Hapon, bilang dalawang pinakamalaking ekonomy sa Asiya, napakahalaga ng relasyon ng Tsina at Hapon. Pero, sinabi ng komentaryo ng Thailand na ang pagdalaw ni Abe ay naglalayong palaganapin ang umano'y "pagiging banta ng Tsina", sa pagsasamantala sa pagkabahala sa Tsina ng mga kapitbansa nito. Ito'y anito pagsisikap ng Hapon para makuha ang komprehensibong pagkatig ng Estados Unidos sa pamamagitan ng paggamit ng alitan ng soberaniya ng Diaoyu Islands.
Ang Pilipinas ang pinakahuling destinasyon ng pagdalaw ni Shinzo Abe. Ayon pa sa ulat, sa panahon ng pagdalaw, narating ng Pilipinas at Hapon ang kasunduan para sa pagpapalakas ng kooperasyon sa mga suliraning pandepansa at seguridad na pandagat. Sinabi ng ulat ng Philippine Daily Inquirer nang araw rin iyon, na sa preskon pagkatapos ng pagtatagpo, ipinahayag ni Pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas na sa pakikipag-usap niya kay Shinzo Abe, sinariwa ng dalawang panig ang hamong panseguridad na kinakaharap ng dalawang bansa, at ipinangakong hihimukin ang mga kinauukulang bansa na magsagawa ng responsableng aksyon. Sinabi rin ni Abe na ang Pilipinas ay estratehikong partner ng Hapon, ang dalawang bansa ay mayroong "fundamental values" at "maraming estratehikong kapakanan".
Pero, ipinalalagay ng ilang tagapag-analisa na ang patakaran na isinagawa ni Shinzo Abe sa kanyang pagdalaw ay hindi nagtamo ng pagkilala ng komunidad ng daigdig. Para sa karamihan ng mga bansang Timogsilangang Asiya, winewelkam nila ang pamumuhunan ng Hapon, pero, hindi sila tutugon sa "paanyaya" ng Hapon laban sa Tsina.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |