|
||||||||
|
||
Ipinagdiinan kahapon ni Xi Jinping, Pangulong Tsino, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Tagapangulo ng Central na Komisyong Militar ng Tsina ang pagsisikap para matiyak ang buong-higpit na pagsunod ng hukbo sa pamumuno ng CPC.
Winika ito ni Xi sa kanyang pagdalaw at pangungumusta sa mga sundalo ng Beijing Military Area Command sa bisperas ng ika-86 na anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Liberation Army na matatapat samakalawa.
Nanawagan si Xi na gawing ang ibayo pang pagsisikap para maisakatuparan ang target ng pagpapalakas ng hukbong Tsino. Hinimok din niya ang mga sundalo na tupdin ang kanilang tungkulin at misyon at palasakin ang kanilang kakayahan sa paglaban.
Nanawagan din si Xi sa mga sundalong Tsino na armahan ang kanilang sarili ng teoriyang sosyalista na may katangiang Tsino para mapanatiling dalisay, mapagkakatiwalaan at matatag ang kanilang ideolohiya.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |