Isinapubliko ngayong araw dito sa Beijing ng China-ASEAN Business Council (CABC) ang Ika-2 Listahan ng China-Asean Bidirectional Recommended Famous Brands na lakip ang 100 sikat na tatak mula sa magkabilang panig na kinabibilangan ng kape, pagkain, produktong agrikultural at iba pa.
Ipinahayag ni Xu Ningning, Executive Vice Secretary-General ng CABC, na ang naturang aktibidad ay naglalayong pabutihin ang estrukturang pangkalakalan ng dalawang panig at pasulungin ang pagsasaayos at pagtataas ng antas ng estrukturang industriyal sa rehiyong ito. Samantala, nitong ilang taong nakararaan, ang walang humpay na pag-unlad at pagbubuti ng China-ASEAN Free Trade Area ay nakapaglikha ng paborableng pagkakataon para sa mga kompanya ng magkabilang panig sa pagpapahigpit ng kooperasyon at pagtatatag ng kilalang tatak sa buong daigdig.