Ayon sa ulat ng Dawn News ng Pakistan, mahigpit na kinondena ng Ministring Panlabas ng Pakistan ang air assault na ginawa ng unmanned aircraft ng Estados Unidos (E.U.) sa North Waziristan, sa dakong hilagang kanluran ng Pakistan noong ika-28 ng buwang ito.
Tinukoy ng panig Pakistani na ang naturang pagsalakay ng E.U. ay ikinamatay ng di-kukulangin sa 7 katao. Anito, ang ganitong unilateral na aksyong militar ay malubhang lumapastangan sa soberaniya at kabuuang ng teritoryo ng Pakistan. Anito pa, ipinalalagay ng pamahalaang Pakistani na ang air assault ng E.U. ay nagdulot ng malaking kasuwalti at lumabag sa diwang humanitaryo.
Salin: Andrea