Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon kay Bu Jianguo, bagong Embahador ng Tsina sa Kambodya, sinabi ni Tea Banh, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Kambodya, na positibo siya sa kasalukuyang mainam na relasyong Sino-Kambodyano, at mas magandang relasyon nito sa hinaharap.
Ipinahayag din ni Tea Banh ang pasasalamat sa tulong na ibinibigay ng Tsina sa Kambodya. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na ibayo pang pasusulungin ang kooperasyong militar sa hinaharap.
Sinabi naman ni Bu, na walang katulad na tagumpay ang natatamo ng estratehikong partnership ng Tsina at Kambodya sa ibat ibang larangan, lalo na ang pulitika, kabuhayan at aspektong militar. Gagawa siya ng sariling ambag para pasulungin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Kambodya, at pagtutulungan nito sa ibat ibang larangan, dagdag pa niya.