Idinaos kagabi sa Embahadang Tsino sa Indonesia ang Lasser Bairam Reception na dinaluhan ni Liu Jianchao, Embahador ng Tsina sa nasabing bansa, at mga mamamahayag ng iba't-ibang malalaking mediang Indones.
Sinabi ni Liu na noong unang hati ng kasalukuyang taon, ibayo pang umunlad ang relasyon ng Tsina at Indonesia, at ang Indonesia ay isa sa mga bansang kauna-unahang dadalawin ni bagong Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina. Maraming beses na aniyang nagkita sina Wang at Ministrong Panlabas Marty M. Natalegawa ng Indonesia sa mga okasyong pandaigdig. Dagdag pa niya, binigyang-diin ng dalawang panig na dapat pasulungin ang kanilang kooperasyon sa mga mekanismo na gaya ng pulitika, diplomasya, at depensa, para mapalakas ang pagtitiwalaan ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng