Nagpulong kamakailan ang Gabinete ng Indonesia, para pag-aralan ang katugong hakbangin ng bansa sa pagharap sa kalagayang pangkabuhayan ng buong daigdig, rehiyon, at bansa.
Ipinahayag ni Susilo Bambang Yudhoyono, Pangulo ng Indonesia, na ang pag-unlad ng pambansang kabuhayan ay may mahigpit na kaugnayan sa pamumuhay na panlipunan at pampulitika. Kaya ang isyung pangkabuhayan ay makakapagbigay aniya ng malaking epekto sa larangan ng lipunan, pulitika, at seguridad. Dapat makatwirang pakitunguhan ng mga ministro ang isyung pangkabuhayan, at dapat ding maayos na balangkasin ang mga katugong hakbangin, aniya pa.
Salin: Li Feng