Sinabi kahapon sa Paris si Laurent Fabius, Ministrong Panlabas ng Pransya, na kahit inalis na ng Unyong Europeo (EU) ang arms embargo sa Syrian Opposition, hindi pa rin ito magkakaloob ng mga sandata sa Syrian National Coalition (SNC).
Sinabi rin niya na magkakaloob ang Pransya ng ibang mga tulong sa SNC liban sa mga sandata. Bukod dito, binigyang-diin niya na dapat hanapin ang planong pulitikal para malutas ang krisis sa Syria.
Kaugnay ng mga Syrian refugees sa mga karatig na bansa na gaya ng Jordan at Lebanon, nanawagan niya sa komunidad ng daigdig na magkaloob ang mas malaking tulong para rito.
Salin: Ernest