|
||||||||
|
||
Sinimulan kahapon ng China Meteorological Administration (CMA) ang pinakamataas na lebel na emergency response laban sa tag-init. Ito ang kauna-unahang pagkakataong na sinimulan ng Tsina ang lebel na ito.
Nitong Hulyo, nananatiling mataas ang temperatura sa iba't ibang lugar ng Tsina. Ang tuluy-tuloy na pag-init ng temperatura sa Shanghai, Zhejiang, Hubei, Guizhou, Jiangxi at iba pang lugar ay nagdulot ng paglala ng tag-tuyot.
Ayon sa pagtaya ng CMA, hindi pa rin optimistiko ang situwasyon sa susunod na Agosto. Posibleng lalampas sa Hulyo ang temperatura sa Agosto at magiging record high ang temperatura sa ilang lunsod.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |