Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pambansang Kamao, nasa Beijing

(GMT+08:00) 2013-07-31 16:08:18       CRI

Dinaluhan kahapon ng Fighter of the Decade at Pambansang Kamao ng Pilipinas na si Manny "Pacman" Pacquiao ang isang press conference na idinaos sa Park Hyatt Hotel, Beijing. Ito ay bilang promosyon sa nalalapit nilang laban ni Brandon "Bam Bam" Rios ng Mexico sa ika-24 ng Nobyembre sa Macao, Tsina.

Sa preskon, inimbitahan ni Pacquaio ang lahat ng mga Tsino na panoorin ang laban nila ni Rios. Pinasalamatan din niya ang mga miyembro ng media, mga organizer ng naturang laban, at lahat ng fans. Aniya, dahil sa mga fans at tagasuporta, "narito kami sa kinalalagyan namin ngayon".

Sinabi rin ni Pacquaio na ang laban niya kay Rios ay isang magandang oportunidad upang pasulungin at iangat ang boksing sa Tsina.

Nang tanungin ng Serbisyo Filipino ang kanyang prediksyon sa laban at kung magkakaroon ba ng knock-out, ipinahayag ni Pacman na magiging napakaganda at exciting ng nasabing laban: dahil aniya, ang estilo ni Rios ay toe-to-toe at siguradong magkakaroon ng matinding bakbakan sa gabi ng kanilang laban.

"Kung may pagkakataon, maaring magkaroon ng knock-out. Pero, ang importante ay mag-ensayo ng mabuti. Ang knock-out ay isang bonus lamang," dagdag pa ni Pacman.

Nilinaw din ni Pacquiao na sandaang porsiyento ang kanyang konsentrasyon sa laban at maghahanda siya nang todo para rito.

"May the best man win," ani Pacquiao kay Rios.

Nang matalakay naman ang kanyang karera sa pulitika, binigyang-diin ni Pacman na hindi siya kakandidato sa pagkapangulo sa susunod na eleksyon, at masaya siya sa kanyang puwesto bilang congressman ng probinsya ng Saranggani.

Kabilang sa undercard ng laban nina Pacman at Rios si Zou Shiming, gold medalist ng Tsina sa Olympics, na ngayon ay isa nang propesyunal na boksingero sa ilalim ng pagtuturo ni Freddie Roach.

/end//

Artikulo/Larawan: Rhio Zablan

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>