Sa pulong kahapon ng Konseho ng Estado ng Tsina, inutos ang mga gawaing may kinalaman sa pagpapalakas ng konstruksyon ng imprastruktura sa lunsod.
Kamakailan, dahil sa walang tigil na pagbuhos ng malakas na ulan, nasalanta ang maraming lunsod sa Tsina dala ng pagbaha. Samantala, sa prosesong pangkaunlaran ng ilang lunsod, nanatili ang maraming problema tulad ng traffic jam, polusyon ng hangin, tubig, basurang panpamumuhay at lumang drain pipes. Kaugnay ng mga ito, tinukoy ng mga kalahok na dapat patuloy na igarantiya ng pamahalaan ang laang-gugulin at palakasin nito ang konstruksyon ng mga walang kita na proyekto sa lunsod. Bukod dito, pasusulungin ang reporma sa mekanismo ng pamumuhunan at pagtustos sa mga proyekto, patitingkarin ang papel ng pamilihan, at aangkatin ang mga pribadong pondo sa konstruksyon at operasyon ng mga mapagkakakitaang proyekto, nang sa gayo'y, mapabubuti ang mahinang lagay ng imprastruktura sa mga lunsod.
Salin: Sissi