"Ikinagalak ng Tsina ang muling pagkakaroon ng Palestina at Israel ng talastasang pangkapayapaan, at umaasa kaming matatamo nito ang tunay na progreso, sa lalong madaling panahon." Ito ang ipinahayag ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa isang regular na preskon, kahapon, sa Beijing.
Sinabi ni Hong, na patuloy na magsisikap ang Tsina, kasama ng komunidad ng daigdig, para pasulungin ang pagsasakatuparan ng kapayapaan sa pagitan ng Palestina at Israel, at katatagan sa Gitnang Silangan.