"Dapat pagnilaynilayan ng Hapon ang kasaysayan, at tupdin nito ang mga pangako hinggil sa mga isyu ng kasaysayan." Ito ang ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa mga negatibong pananalita kamakailan ni Taro Aso, Pangalawang Punong Ministrong ng Hapon, kabilang nito ang pagtulad sa ginawa ng German Nazis, na pagpapalit sa konstitusyon bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at pagkatig sa patuloy na pagbibigay-galang sa Yasukuni Shrine.
Sinabi ng Tagapagsalitang Tsino, na dapat bantayan ng komunidad ng daigdig ang landas na tatahakin ng Hapon sa hinaharap.
Sinabi ni Hong, na ang isyu ng Yasukuni Shrine ay nagpapakita sa pananaw ng Hapon sa ginawang pananalakay nito at kung isinasaalang-alang ang damdamin ng mga biktima mula sa bansang Asyano. Maari lamang aniyang matamo ng Hapon ang pagtitiwala ng komunidad ng daigdig, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng konkretong mga hakbang.