Ipinasiya kahapon ng pamahalaan ng Thailand na isagawa mula unang araw ng Agosto ang pansamantalang regulasyong panseguridad sa tatlong distrito ng Bangkok, para mapigil ang mga demonstrasyong posibleng idaos sa mga darating na araw.
Upang maisakatuparan ang pambansang rekonsilyasyon, nakatakdang talakayin ng Parliamento ng Thailand, sa unang dako ng Agosto, ang isang panukalang batas hinggil sa pagbibigay-amnestiya sa mga taong apektado ng elementong pampulitika. Pero, ipinalalagay ng organisasyong oposisyon, na magbibigay lamang ito ng ginhawa sa pag-uwi sa bansa ni dating Punong Ministro Thaksin Shinawatra. Ito rin anila ay para burahin ang mga krimen ng dating lider. Kaya, nakatakda nilang idaos ang demonstrasyon, sa ika-4 ng Agosto.