Bilang pagdiriwang sa ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, nakatakdang idaos ngayong araw sa Bangkok ang Porum ng Tsina at ASEAN sa Mataas na Antas. Lalahok sa porum sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at Surapong Savetasreni, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Thailand.
Tatlo (3) ang pangunahing paksa ng nasabing porum: una, balik-tanawin ang mga bunga ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN nitong nakalipas na 10 taon; ikalawa, tanawin ang kinabukasan ng relasyon ng Tsina at ASEAN; ikatlo, talakayin ang responsibilidad at punksyon ng naturang partnership. Nakatakda ring magtalakayan hinggil dito ang mga kinatawan mula sa Tsina at 10 miyembre ng ASEAN.
Salin: Andrea